Sunday, May 12, 2013

HAPPY MOTHER'S DAY

Pag-ibig ng isang Ina ( A Short-Inspiring Story)

Sembreak. Tumakbo ang bata sa kanyang ina na naghahanda para sa kanilang hapunan sabay abot ng isang pirasong papel sa ina na kanina pa niya sinulat pagkatapos gawin ang mga inutos ng ina sa kanya. Pinahid ng Ina ang basang kamay sa apron at binasa ang sinulat ng Anak:

Sa Pagbubunot ng Damo: P5.00
Sa Paglilinis ng Kwarto: P10.00
Sa Pag-utos sa pagbili ng Asin sa Tindahan: P5.00
Pagbabantay kay bunso habang namalengke ka: P5.00
Sa Walang Bagsak kung Report Card: P10.00
Sa Paggising ko ng Maaga at Pagiging masunurin: P15.00

Total lahat: P50.00

Napatingin ang Ina sa anak na naghihintay sa ibabayad niya. Napaisip, sabay sulat sa likorang papel. Pagkatapos magsulat, ibinalik niya sa Anak ang papel:

Sa 9 na buwan kong pagtitiis na dalhin ka sa aking sinapupunan
habang lumalaki ka: WALANG BAYAD

Sa mga gabing tiniis ko ang puyat para lamang bantayan ka pag may sakit at nagdarasal na gumaling ka: WALANG BAYAD

Sa mga luhang pumatak kapag matigas ang iyong ulo at pawis sa trabaho para lamang may maibaon ka sa eskuwelahan: WALANG BAYAD

Sa lahat ng laruan, damit, pagkain at pagpupunas sa sipon mo.: WALANG BAYAD

Sa aking pagmamahal sayo mula noon, hanggang sa mga oras na ito at hanggang sa huling hininga ko: WALANG BAYAD

Anak, pag tinotal mo to lahat, Ang aking pagmamahal sa'yo, WALANG BAYAD.

Binasa ng musmos na bata ang sinulat ng Ina. Napaluha ang bata at napahagulhol. Ngayon NAIINTINDIHAN NA NIYA. Tumingin sa Ina, "Ma, salamat sa lahat!"

Niyakap niya ito at hinalikan. Kinuha ang panulat at sinulat sa harapang papel na kanyang nilista kanina: FULLY-PAID. :')
THE END.

'LIKE SA LAHAT NG ANAK NA KAHIT PASIKRETO, MAHAL NA MAHAL ANG KANILANG INA.'
Share this article :

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright© 2013 Too many error | Powered by Blogger
Design by jhayr | Supported by Designer